A Song For Raphael - Tanya Chinita

[edit lirik]

Sa una kong sulyap sa ‘yong

Mga matang tila nalilito

Sa aking tuwa ako ay napaluha

Munting anghel na tulad mo

Ay biyaya ng Panginoon

Upang aking mahalin at alagaan

Kahit sa oras ng iyong laban

Maaasahan mo ako kailanpaman



Nais ko sanang sabihin sa ‘yo

Na mahal na mahal kita

Inaalay ko ang awitin ito

Sa ‘yo aking anak

Ah…



O kay bilis ng panahon

Ang buhay sadyang may hamon

Ika’y sinubok na ng pagkakataon

Higpit ng bawat yakap mo

Ang kumalinga sa iyo

Hanggang sa pinakahuli mong araw

Kani-kanina lang yakap kita

‘Pag-gising ko ika’y bumitaw na



Nais ko sanang sabihin sa ‘yo

Na mahal na mahal kita

Inaalay ko ang awitin ito

Sa ‘yo aking anak

Ah…



Hanggang sa ating muling pagkikita

Salamat sa ‘yong ala-ala



Nais ko sanang sabihin sa ‘yo

Na mahal na mahal kita

Inaalay ko ang awitin ito

Sa ‘yo aking anak

Ah… ah…



Nais ko sanang sabihin sa ‘yo

Na mahal na mahal kita

Inaalay ko ang awitin ito

Sa ‘yo aking anak

Ah…